hayy... kamusta sa inyong lahat?
naiinis na ako ngaun... sobrang inis na inis na inis. wala nang silbi 'tong blog ko. ni sama ng loob hindi ko na mailabas. kailangan careful ako sa mga words. kailangan ganito. kailangan ganyan. baka may matamaan. baka may masaktan. tapos, mei magrereklamo kasi ganito. kasi ganyan. hindi dapat ganyan. dapat ganito. intindihin mo si ganito. intindihin mo na lang.
aaaarrrrrrrrrrrrggggggggggghhhhhhhhh!
andaming kontra sa buhay. mga all-knowing na tao. pinipilit nila kahit na ayaw mo. kailangan mong silang sundin kasi magagalit sila. magtatampo. kailangan sumunod ka lang. dahil alam DAW nila kung anong DAPAT sa'yo. bawal magalit. 'attitude' ka pag ginawa mo yun. 'KJ' din. masama.
kapag masaya ka, tatanungin nila kung bakit. kailangan magkukwento ka. pipilitin ka at kapg hindi ka nagkwento, magagalit. minsan naman, walang pake. kapag malungkot ka naman, hindi mo dapat ipahalata. kasi parang dinadamay mo sila sa problema mo. kapag sila ang problema mo, hindi mo naman masabi. dahil kahit anong gawin mong pag-explain, magdadahilan sila. ikaw pa rin ang mali. ipagtatanggol nila kung anong side nila. hindi malawak ang pag-iisip. mabait sila. matalino. lahat na. kaya hindi dapat kontrahin.
bawal magreklamo. kailangan sundin mo sila. samahan mo. bilhin yng mga pinapabili. hindi pwedeng tumanggi. magtatampo. wala kang kwenta. tapos, magcocompare. bakit si ganito ganyan blah blah blah. tapos, pag-uusapan ka nila ng nakatalikod. sabagay, hindi naman maiiwasan yun. baka naglalabas lang sila ng labas ng loob. sana lang, hindi harap harapan. at sana lang, kung wala kang balak sabihin sa tao yung sama ng loob mo sa kanya, itago mo nalang sa sarili mo. dahil ang pinaka-masakit, yung malalaman pa niya sa iba. ang pinaka-masaklap, nalaman ng iba, pati ibang tao pinaguusapan ka na, masama na tingin ng iba sa'yo, ni hindi mo man lang naipagtanggol ang sarili mo.
hindi na ako 'to! niloloko ko na sarili ko. kailangan ibahin ko ang sarili para lang i-please sila. kailangan maging ganito ako para paki-samahan nila ako. iba na nararamdaman ko pag kasama sila. matalino kami, bobo ka. marami kaming alam, wala kang alam. mabait kami, salbahe ka. ganyan ka kababa.
sa ngayon, gusto kong putulin ang ugnayan ko sa kanila. masama na kung masama pero nahihirapan na ko. hindi naman. ayaw ko lang sila parating kasama. gusto ko kumilos na ako. gusto kong sumama sa mga taong nagpapasaya sa akin. yung tanggap ako. yung kahit anong gawin ko, andyan sila. hindi si magrereklamo kung sakiling hindi ko sila napapasin. yung marunong MAKI-PAGUSAP at UMINTINDI. hindi nagtatago. hindi mo kailangan maghula kung galit ba sila o hindi. yung sasabihin nila sa'yo ng kusa kung anong nararamdaman nila - galit, inis, tuwa, sakit. gusto ko ng taong MALAWAK AT MALALIM ang pag-iisip. hindi puro sarili at sariling gusto lang niya ang matutupad.
marami akong gusto. masyadong marami. siguarado mei ibang magsasabi na mahihirapan akong makakita ng taong ganyan... o... hindi ako makakakita ng taong ganyan... mali sila. nakakita ako at marami sila.
para akong nag-aalaga ng mga bata. kailangan ako ang umintindi. mahirap kausapin. sarado ang utak. masyadong mataas. hirap abutin. paulit ulit. nakakasawa.
hindi maiitangging may pinagsamahan kami. tumulong sila. pinasaya ako. dinamayan. minahal. kaso, habang tumatagal, mas lalong humihigpit. marami nang bawal. maraming kailangan gawin. sa paglalim ng samahan, nagkakaroon ng responsibilidad. humihigpit. maraming dapat sundin. maraming dapat i-consider. mahirap buwagin ang pagkakakapit. kapag pilit kang aalis, mas masakit dahil mas matindi ang pagkakatali.
dapat ba na ipagpatuloy ang isang bagay na hindi ka na masaya? kailangan bang ikaw ulit ang umitindi? aasa ka ba ulit? dapat bang magsakripisyo?
===========
medyo may pagka-exag
haha
wag niyo kong pansinin
ganyan talga pag cute
haha