Tuesday, July 25, 2006

FIBRELLA

mei bago akong payong!!! wahahaha. kabibili ko lang kahapon. mahal nga siya. P475.00. reversible. pumunta kming SM Megamall kc marami akong pera. kso, payong lang naman ang nabili ko.

======

mei bago akong mouse!!! wahahaha. ngayon, talagang lahing dalmatian na yung computer ko. black and white. hayy. ang saya nga. optical mouse siya, color black. P250.00. mura na daw yun. yun na kc yung pinaka mababa ang presyo.

======

mei bagyo!!! wahahaha! four days akong walang pasok. ansaya naman. buti nga yun para makatulog ako ng maayos. sa totoo lang, ayaw ko nang pumasok. ayaw na talaga. hindi ko na gusto ang mga pangyayari sa school. boring. wlang kwenta. painful. nakakasira pa ng bait. tapos sa wednesday , tatlong quiz, sunod-sunod. Admath. Logic. Strength of Materials. ayaw na. ayaw kong makakuha ng mababang score. nasasaktan ako.

======

sana talaga, ARCHITECTURE nlng kinuha ko. at least, ginagawa ko yung bagay na gustong-gusto kong gawin..

32/50

naaawa ako sa kapatid ko. first year college student cia sa UST. ang course nia BIOChemistry. lagi niyang sinasabi saken na nahihirapan siya. sobra. gusto n niyang mag-shift or something, basta, ayaw na niya sa course na yun. hindi ko naman siya masisi. mahirap naman talaga ang course niya. actually, wala namang madaling course, db? kaya, sabi ko na lang sa kanya, "ok lang yan. umpisa pa lang naman. nagaajust ka pa cguro. kung babagsak ka, ayus lang yun! edi, ulitin mo! ehehehe!".

salbaheng ate.

anyways, syempre, walang problema saken kahit na bumagsak o mababa yung grades ng mga kapatid ko. kaso yung parents ko. hayy. kktapos lang kc ng prelims ng kapatid ko. tuwang tuwa cia kc hindi cia bagsak sa math. 32/50 yung nakuha niya. nagtext cia kaagad saken nung nakuha na niya yung test paper niya. congrats naman ako. tinanong ko kung mei bumagsak b o may nakakuha ng mas mababa sa kanya. sabi niya, mei bumagsak. relieved ako. sabi ko sa kanya, "ok lang ang passing na score. basta, ayaw ko lang na mahuhuli ka sa mga classmates mo..c:"

hindi ko alam, tinext rin niya yung daddy ko. akala ko ok lang. pagdating sa bahay at nkita ng daddy ko yung test paper niya, sumimangot. sabi: "mataas na ba 'to? sa ssunod taasan mo pa. hindi ka kc nagaaral mabuti." then, umalis. sumagot yung sister ko, sabi niya: "daddy sobra ka nmn. nagaaral ako."

at ako, biglang sumabat. "daddy! ok na yan! passing! 64% kaya yan...c:" malamig pa ko nung cnabi ko yan. kso, medyo, naiinis na. alam ko kasi kung gaano nagaalala yung kapatid ko. every night nlng niya akng kinakausap na nahihirapan siya talaga. naprepressure cia dahil sa attitude ng parents ko. kahit na hindi nmn cia lagi cnasabihan, sa nakikita niya lagi kung paano ako pagalitan ng parents namin, natatakot siya.

pinagtanggol ko yung kapatid ko, syempre. ano pa't naging ate ako. ok lang sa akin na ako na lang yung i-pressure nila. wag lang yung mga kapatid ko kc ayaw kong maranasan nila yung naranasan ko. malungkot. sabihin na nating ayos yun kc magiging ok yung buhay nila, kaso... ayaw ko lng talagang nakikita na nahihirapan yung mga kapatid ko.

sabi ng daddy ko, "way lang niya un para i-encourage yung kapatid ko.." sumagot ako, "daddy, sa cnabi mong yon, nadidiscourage cia." tuloy, kami nag-away ng daddy ko. pero, light lang at sandali.

gayan talaga yung parents ko. hindi sila marunong mag-appreciate ng mga maliliit na bagay. ni hindi nila marerecognize yung mga efforts mo. mataas pa ang standards and expectations nila.

hindi ko naman sila masisisi. syempre. pero sana maintindihan nila na hindi naman kami super talinong mga bata. hindi rin kami masipag. minsan lang.

hayy. love ko yung parents ko. syempre, yung mga kapatid ko rin. hehehe.. ganito lang talaga. hindi mo maiiwasang magalit sa isang taong mahal mo. ayaw mo silang mapasama at ayaw mo ring masira yung relationship ninyo kaya nagagalit ka. gutso mong maayos ang mga bagay bagay.

pero, dumadating din sa point na sawa ka nang makipag-ayos, db? sana sa
lahat ng relasyong kawak ko, huwag dumating sa puntong yon...

Tuesday, July 11, 2006

FIRST DAY HIGH

arghh. arghh. *sigh*... shit.

im in pain right now. physically and emotionally. i havent had a good sleep since this painful thing happened in my ear. i had a fight, friggin-childish fight, misunderstanding, (na pinatulan ko naman) whatever you wanna call it with my full-of-pride-just like-me-and-controversial-and-over-sentimental-and-over-emotional-college-acquaintances. i dont know what, how SHOULD i think right now, and act tomorrow. i really feel bad. i wish i hadnt talked that time. i should have kept quiet knowing that it is fuckin useless to reason out when you know they werent believin.

damn it. the result: im wrong and i should be sorry. im the bad guy. im the one who left them, who doesnt know how to listen and how to understand.

i want to disappear. i dont want to go to school anymore. i cant hate them. i cant blame them. i even feel no anger.

i just wish my highschool friends were here. i missed them.

====

buti na lang mei =My Girl=. kahit papaano sumasaya ako. crush na crush na crush ko talaga yung singkit. =Nico= yung name nia sa TV program. siya nga yung wallpaper ko ngayon. *sigh*

kamusta naman?!!!

Saturday, July 08, 2006

BREAK. BAKASYON... Kamusta naman?

kamusta naman?

bago yung 'keyboard' ko ngaun kaya natuwa akong mag-blog. bwahehehe. hindi ko alam kung anong nangyari dun sa keyboard kong yun. bigla nalang hindi gumana yung keys ng: 'T', 'Y' and TAB... ang saklap. kahit na mei 'on-screen keyboard' masaklap pa rin. tamad pa naman ako kaya banas na banas ako.

pero ngaun, mei bago na kong keyboard. color black. bwahehehe. parang mei lahing dalmatian tuloy tong PC ko. white yung monitor at CPU, tapos black yung keyboard at silver yung mouse (para sa tag ng dog). kamusta naman? techni-color.

hayy... bat ganun? wala na kong kwentang magsulat. feeling ko walang coordination ang mga sentences ko. pati yung humor nawala na rin. iba na talaga.

walang kwenta.

====

ansakit ng tenga ko. nagpunta kami sa doctor kanina . pano ba naman sumasakit yung tenga ko. sobra. tuwing mei iniisip ako, sumasakit cia. hindi ko na ibibigay ung ibang details. basta masakit. sabi ng doctor: "Siguro kinakalikot mu yan noh! Oh no...". pagkatapos, nilagyan niya ng gamot. ang hapdi! dapat daw kc hindi madalas yung paglinis ng tenga. every 2 days daw pwede na. e, ako ata gabi gabi. ang kulit ko talaga. napagalitan ako ng doctor. sabi nia: "'wag mu nang kakalikutin yan, ha! balik ka saken next week para follow up." kamusta naman yun. binigyan niya ako ng reseta. take note: computerized! huwaw! sosy. dalawang gamot. isa para talaga sa tenga yung isa, pain reliever. sabi ko, siguro kaya ko naman tiisin yung sakit, kaya yun, hindi ko na binili yung pain reliever. Aba! kelangan ko pala yun. sobrang sakit! brutal! para akong mababaliw! para akong sinasaksak sa tenga. kamusta naman yun? yan! bukas pa ako makakabili. awwwww....(T.T)
====
hanggang ngayon pagod parin ako. break namin. THIRD YEAR NARIN AKO SA WAKAS!!! kamusta naman? simula ngayon, mas mahirap na aking pagdadaanan. sana lang, marealize ko na kailangan ko nang mag-evolve. kailangan ko nang bumait. kailangan ko nang maging masipag. kailangan ko nang maging matalino. hayy... bakit kasi kailangan pa?
====
sabihin niyo nga: "BAKASYON BA ANG MATATAWAG DITO???"
June 29, 2006 yung last day ng exam namin. (july 01 to 09, bakasyon dapat namin) kinabukasan, june 30, bumalik ako para magverify ng grade. saturday and sunday, july 01 and 02, time for the family. since, natuwa cla dahil wala akong bagsak at kasabay na rin yung bday ng kapatid ko lumabas kami (Maxx. wahahaha). July 03, 2006, monday, induction night. pagod pa rin. overnight sa condo ng aking skulm8, ean yung pangalan. july 04, tuesday, uwi. pagod. july 05, wednesday, enrolment at punta ulit sa skul. kamusta naman? bayaran na naman. thursday and friday (july 06 and 07) pahinga. kamusta naman ulit? saturday (ngayon, july 08), punta doctor at SM mega (bili gift kay cam... hmmmm ^o^). sana bukas wala nang ggwin. hagardness na ko! Ayaw na!
"NI BREAK ATA HINDI MU PWEDENG MAITAWAG DITO?!!!"
====
iba ang gusto ko! ayaw ko niyan!
iba ang gusto ko! bakit niyo pinipilit saken yan!
kahit imposible, gusto ko parin yon!
tama na!
huwag niyong sabihin saken na alm niyo kung ano ang para sa akin!
ako lang nakakaalam ng gusto ko...
please...