Thursday, August 31, 2006

MY ENGINEERING COURSE

nag-usap kme ni mama. sabi ko: "ma, sobrang baba ko sa electronics lecture... sobrang baba talaga. tapos sa strength naman, medyo matataas yung scores ko. shift na kaya ako sa CIVIL ENGINEERING.."
sumagot si mama (super worried face): "ano? hindi mo ba talaga kaya? magshishift k?"
naginterrupt ako: "hindi, ma. wag kang magalala. tatapusin ko yun. naumpisahan ko na,e." (blank face)
"o, bat parang ayaw mong ituloy? parang ayaw mu ng course mo?
"basta, ma. tatapusin ko."
"sa facial expression mo parang ayaw mo talaga..."
"hayaan mu na... hehe.." (talagang nag-"hehe" ako, pero sad parin)
umalis na ko.

==========
mahirap talaga pag hindi mo alam kung anong gusto mo sa buhay.
kung saan saan ka liliko... dadaan.
walang patutunguhan.
nakakalungkot. nakakabagot.
nakakalito dahil hindi mo alam ang gusto mo sa buhay.
tapos, pag nalaman mo na ang pinaka-gusto mo sa buhay...
huli na ang lahat.
phew! ang saklap.
pero, ganyan talaga.

1 comment:

Ean said...

uy reign salamat...

and yeah... tapusin mo! wala, un lang... d ko na kasi alam ano pa sasabihin ko.

haay... basta salamat... :D