Thursday, October 20, 2005

FRUSTRATION

PREFACE:

Napaka-busy ko na talaga. Since the start of this term, wala na akong time para i-update yung blog ko. Bukod sa gabi na ako dumating at pang-hapon/pang-gabi na ang sched ko, tinatamad na rin akong mag-bukas ng computer. Imbis na sayangin ko yung oras ko sa pagtatype ng sama ng loob at hinanakit sa mundo, ba’t hindi ko na lang itulog, db? Benefit pa yun sa akin! Pero hindi ko matiis. Hilig ko, e!

THE STORY:


Nagsimula ang lahat dahil sa kailangan naming ng 10% co-curricular sa aming DLHSS na subject. Since, tuwang-tuwa ako sa teacher ko nung Filipino1 at bumalik ang pagkahilig ko sa pagsusulat, na-engganyo akong lumahok sa isang qualification exam.

Actually, isa talaga akong frustrated writer, photographer at artist. High school pa lang, gustong-gusto ko nang maging staff ng school news paper. Naimpluwensyahan din ako ng best friend ko. Sabi pa nga niya: “siya ang mag-susulat ng article, ako mag-iinterpret sa drawing”. Kaso, lagi na lang ako pinanghihinaan ng loob. Kung hindi ako mahihiya pumunta sa office nila, may iba akong gustong salihang club. At nung 4th year nga, kung kelan naipon ko na ang lahat ng lakas ng loob, sakto nanalo naman ako bilang SC President. Naisip ko tuloy: “siguro hindi pa panahon…” o kaya naman, “siguro hindi para sa akin… ayaw ni papa Jesus”.

Sa barkada ko nung high school (6 – all girls), ako lang ang hindi staff ng Conso (The Consolinian – name ng newspaper namin). Yung best friend ko (Cam) editor-in-chief, si zhela ay ang managing editor, si jhen yung associated editor, si nikki ay writer, at si marinel ay yung features editor. Ako, wala.

Anyways, balik tayo sa qualification exam. Mahirap daw ang exam. Mahirap nga. Biruin mo, halos 21 essays ang gagawin mo for one whole day – from 730am to 730pm. At lumagpas pa kami sa given time. Mga past 8pm na ata kami natapos. Kasama ko nga pala si Gretchen at Ean. Tatlo kaming naglakas loob sumali. Ang main reason: “para sa 10% co-surricular and nothing else”. Pero ako, para sumali talaga.

Pagkatapos ng pamatay na exam, mas mahirap pa ata yun sa board exam, hindi na ako umsang papasa. Makalipas ang ilang lingo, mei tumawag. Yung editor-in-chief, akala ko nga nung una nangtitrip,e! Yun pala, totoo! Nakapasa ako sa qualification exam which is the first step. Laking tuwa ko talaga nun. Biruin mo, out of almost 70 students, napasama ka sa top 20. wow! Seryoso na ito! Matutupad na rin ang pangarap ko!

Second step, panel interview. Sa 20, magiging 10 na lang sila. Sabi, isa daw itong personality test. Feeling ko madali lang, kasi sanay naman akong makipag-usap sa ibang tao. Dumating na yung araw na yun. I did my best. Gusto ko talaga. Sabi, kinabukasan daw malalaman yung result.

Kinabukasan, yun agad yung nasa isip ko. Pero, mei gut feeling na ako na hindi papasa. At totoo nga! Hindi nga ako pumasa. Ang masakit, sa kasama ko pa na nakapasa nalaman na hindi ako nakapasa. Gets? Biglaan yun! Hindi man lang ako nakapag-prepare. Hindi naman niya ksalanan yun kasi, hindi naman niya alam na hindi ko pa nakikita. Wala akong nagawa kundi tawanan ang buong pangyayri. Buti na lang wala yung prof namin nung mga panahong iyon, kundi patay! Wala ako sa sarili.


Kinausap ko yung isa kong friend. Sabi ko hindi ako pumasa. Umiyak ako. Sabi niya para daw akong sira. Parang yun lang, e!

Oo nga, yun LANG naman. Sana, “LANG” lang siya.

FINAL JUDGEMENT:

Minsan lang ako maging seryoso. Hehe... kahit hindi obvious. Kahit na mukhang
“wala lang” sa akin ang lahat, seryoso ako nun. Gusto ko talaga. Kaso, hindi
yata talaga para sa akin.

This is one of the reasons why I hate to
see myself being serious over something. “When you get serious, you can’t help
yourself to expect; although you know that these expectations might not happen,
and would hurt you terribly.”

On the other hand, if you do not how
to get serious, your life will be full of pretendings, excuses and regrets -
away from getting hurt, but dull. No one will ever see you true abilities, and
you’ll end up not paying attention to anything and
everything.

Where would you place yourself?


Sa ngayon dun ako sa pangalawa. Hehe. Mas mabuti nang hindi sumubok at hindi umasa, kaysa ibuhos ang lahat ng makakaya, matalo... masaktan. Ganito naman ako dati! Kunwari walang paki. Pinipigilan ang sarili sa pagsubok ng mga bagay-bagay na gusto ko dahil natatakot na hindi sila mapasa-akin.

2 comments:

ela said...

hey reign!

nice hearing from you again. :) ayos lang yung tungkol sa 15, wala ka naman halos na-miss eh... papabigay ko na lang kay Cam yung invitation mo since sabay-sabay na kayong pupunta.

oo nga, hindi nga 'lang' yun... but that's okay. a good writer doesn't need to pass any personality test anyway. so what kung hindi nag-jive yung gusto nilang persona sa actual na personality mo?! that doesn't mean that you don't have the talent. you know jessica zafra right?! yung fave author namin ni cam? isa siya sa mga taong masasabi mong kailangan umattend ng personality development program, pero look at her, she still writes good...

anyway, there'd still be other opportunities for you. don't let this one ruin your passion for writing. :)

HannaReign said...

to zhela:


thank you! But i really can't help myself to feel bad. Tama ka! i should let this one ruin my passion for writing. thank you talaga! You've made me feel really better!