huwaaaaaa!!!!
halos tatlong araw din akong hindi nakapagsulat dito sa aking blog. kay daming nangyari! kaya nga, purong tagalog ang gagamitin ko ngaun... umpisahan na!
UNANG ARAW
Setyembre 27, 2006
Miyerkules
MAIN EVENT: ENROLLMENT and PARTY @ CAM'S HOUSE
ngaun ang araw ng aming enrolment. ginising ako ng maaga ni mama, syempre, para makaalis ako ng maaga at makasabay si Ruter - kapitbahay namin na nag-aaral din sa Mapua (ME). mei dala kc akong malaking pera, natatakot siya kung kaya't gusto niyang mei kasama ako. alam din niya kasing tnext ako ni Ruter kgabi, susubukan daw niyang sumabay. 5:45 am, yun yung oras na sinabi kong aalis ako, pero, 5:30 na, hindi pa ako tapos maligo. hehehe... hindi rin kami nagsabay. at ang masaklap pa, wala akong FX na naabutan.
pagdating ko sa mapua, nakasabay ko si Rain Sumalpong. nagkwentuhan tapos tinakot niya ako tungkol kay Sir Salalila. Panggabi kc yung enercon ko so sure na si Sir Salalila yung magiging prof ko. After nun, nakita ko si cam. Sinigawan ko pa nga siya nung nakita ko. tapos, bayad kami agad. nakita si Bulay and Romoe. Yakap si Bulay na medyo nag-teary-eyed. bakit kaya? sabi niya, mei kkwento daw siya saken maya. hmmm... lalaki nnmn...
basta, nagkita ang mga dapat magkita. nag-usap usap kung san ppunta. MOA b o kanila Cam kasi birthday ng sister nia. FINAL DECISION: Camille's House! SINO-SINO KAMI? Ako, Cam, Maki, Rachel, Bulay, Kenneth (Bulay's Bro), Cris, Romeo and Kurt. bali 9 kaming lahat. Sumabay lang samin si Tonix sa bus pero bumaba siya agad sa SM Bacoor. Hindi siya pwedeng umattend ng mga birthday parties kasi bawal sa Religion nila.
Sa bahay nila cam, andami kong nakain! wahaha! tapos, naglaro kami ni Kuya Cris ng MONOPOLY. BULLY na naman ako. BinuBULLY ko si Kuya Cris! Bwahahaha! :D ang ingay ingay ko, naming lahat. tawanan! sobrang saya! hahaha! tapos, pinanood din namin yung video nila Maki tungkol sa pagwawind ng Alternator. Tapos, mirienda. Kain na naman! Sarap nung chocolate moose! lalong lalo na yung SPAGHETTI!!! waaaa!
late na akong umuwi. kasabay ko sina Maki, Rachel and Kurt. tapos, medyo nagalit si mama kc hindi ako nagrereply. haha! ang saya kc kaya medyo nawala sa isip ko yung cellphone. DANGLOKO talaga ako!
ang saya! sana maulit ulit!
IKALAWAN ARAW
Setyembre 28, 2006
Huwebes
MAIN EVENT: BAGYONG MILENYO
declared kahapon na walang pasok. wala naman akong pakialam dun kc wala naman talaga kaming pasok! Tae nga, e! Mei bagyo kc...Grabe, yung bagyo! kulang na lang liparin yung mga bahay dito sa amin. kakaiba siya dahil mababa yung hangin na super lakas. as SUPER L-A-K-A-S!!! kitang kita ko yung hangin, tapos nagtumbahan yung mga puno.
Speaking of Puno, nataranta yung nanay ko nung nakita niyang natutumba na yung tanim niya! hitsura niya parang nakakita ng multo. naghanap siya agad ng tali at tumakbo sa labas. pero, wala rin. pati siya, parang tatangayin din ng hangin. syempre, labas din ako para tulungan yung mama ko. mama ko yun,e! ayun, ako taga-pigil ng puno, siya taga-tali. Hanep! first time, nangyari yung halos hindi ko mapigilan yung lakas ng hangin. grabe! ang lakas talaga. adventure!
=====
dami ko pa sana ikkwento, kso... tamad na ako... tsaka na! :) hehe...

No comments:
Post a Comment