wujuh! andami ko pang gagawin. pero, mas gusto kong magblog. hihihi...
kahapon, friday... September 08, 2006
Birthday ni Mama Mary and birthday din ng cousin ko. (Ate May. Happy birthday!!! Godbless!). Puyat ako kahit na walang pasok nung thursday. ginawa ko kasi yung prototype namin sa logic. hayy, grabe. ilang beses na kaming nagpalit ng IC. ngayon, meron kaming 16 to 1 line Multiplexer. hahaha! ang laking IC! parang ipis pag-malayo. hahaha! anyways, gabi na nung inumpisahan ko yung last report. hindi ko tinapos kc ako pa yung ggawa ng progress report namin. asar.
kinabukasan, ayun nga. puyat. tulog sa FX. pangit ng mata. expected din na tiring din yung araw. ganun kc ako. kapag hindi maganda yung feeling ko sa umaga na para bang ayaw kong pumasok, ibig sabihin, hndi magiging maganda yung day. pagpasok, tinuloy ko na agad yung report. hindi ko na tinapos. asar na ko, e. tapos, pinaxerox yung ibang kailangan sa progress report. tapos, lab na. dumating na si ma'am. yung mga mei dalang materials, gagawin yung prototype. yung ibang wala, mag-ppractical. isang group lang yung nagpractical. wawa naman! kami, gumagawa. hayy... ang linis daw. kaya lang, feeling ko asar na saken si Lez. pano ba naman. ayaw ko ng hindi saktong wire. gusto ko, diretso at fit. tumatagal at nahihirapan ng maggupit ng wires yung mga ka-groupmates ko. hahaha! ayos lang yan. puyat ako dahil d2, e.sabi ko sa kanila: "anak ng jueteng! asar na asar na ko! bakit mali! ayaw umilaw yung LED! magmumura na ko!". sabi nila, "sige! ilabas mo! ayus lang... hahaha!"... ang sama sama pa man din ng pakiramdam ko kc mei sipon at ubo ako.
after nun, nakita ko sina Romeo and Bulay sa labas kasama ang boyfriend niya, si Luigi. kakain sana ako kaso 45mins nalang. hindi na ko kumain kc tinatamad din akong bumaba. diretso (diritsu!!!) na ko sa rum. pagpunta ko ron, nakita ko na c chen, tonix and ean sa labas. pareho pang naka-pink si ean and chen at natutulog si chen. ininggit na naman ako ni tonix kasi magkasama daw silang tatlo sa condo nila ean. haha!
waLng ginawa sa first two subjects. break time (3 - 430), nagsimba ako. kasama ko ulit si Romeo, Bulay, and Luigi. gumaan yung pakiramdam ko. andami kong pinagdasal. andami kong sinabi at kinuwento sa kanya. inatake pa ko ng ubo. bigla akong inubo na ayaw tumigil. hayy... malala na. sana magtuloy-tuloy.
pakiramdam ko ayos na ko ulit. kaso, nasira. yung strength kasi. hindi ko maintindihan. hahaha! mei nagdadasal ata na bumagsak ako. kamusta naman?
++++lumalabas na naman ang pagka-demonyita ko++++
naku! jokeness na nung uwian! haha! paxerox kame. naabutan ng ulan. kumain sa kantunan. kasama ko sina mek, tonix, chen and hisham. nagbrown-out. kumikidlat. takot pa man din ako sa kidlat. tapos, nananakot pa na nasa likod ko daw si marvin, e nasa dulo ako! wala akong katabi! mama!! waaa!! tapos, pumunta sa Mcdo. partner kami ni junjun sa payong. si chen and hisham. si mek wala. naawa nga ako, e. kasi wala ciang payong. kumain ng sundae sina junjun and mek. tapos, nang-iinggit si mek. (mukha mu, mek!! haha!!) tapos, nung naramdaman namin na hindi pa titigil yung ulan, umalis na din kame. ganun pa rin ang magkakapartner. si mek wala pa ring payong. tapos, si jogs dumating. ayun, mei partner na si mek. nag-LRT kami nila chen, hisham and mek. tapos, hinatid ni hisham si chen sa sakayan ng bus. tapos, mrt...
tapos, pilahan ng jeep papuntang pasig. tapos, nakita ko si JENNIFER!!!! waaaa!! sumigaw siya. hahaha! siya yung valedictorian namin na nag-aaral ngaun sa UP-D. nagkwentuhan kame chorvanes! oo nga pala, sobrang haba ng pila as in! siguro, simula mapua hanggang jabi lyceum! pramis! nasa halos unahan na si jhen nun, kaso nung nakita niya ako, sumama siya saken kaya nasa likod ulit siya. waaaw. miss na miss na daw niya ako. miss ko rin naman siya.
ayun, kwento - kwento. chorvaness. nasa palengke na kame, hindi pa rin tapos. hahaha! buti nalang nakita ko siya. (thanks, jhenn! Babaeng-babae ka na ngaun a!!! wahahaha!!!!)
tapos, sa sakayan ng tricycle, nakita ko naman yung schoolmate ko from LaConsolacion. ate hanna pa tawag sa saken. hehe. ngaun lang daw siya nlate. tanong ko sa kanya: "di ba LaCo Mendiola ka nagaaral? bakit ka naka-civilian, dear?" sabi niya swimming classes daw siya kasi ngaun kaya ganon. ahhh. ayun. pinauna ko na siya sa tricycle. take note, mahaba ulit yung pila!
pgdating sa bahay. nagayus ng gamit at mga files ko sa kwarto. ni-ready ko na ang mga envelopes para sa portfolio ng bawat subjects. maayus na! gumawa na rin ako ng list ng mga gagawin ko for next week - HELL WEEK!
ngayon, saturday, september 09, 2006
ginising ako ni mama mga 7am. pupunta kasi akong skul. gagawa ng prototype sa logic. kasi nga yung LED!! t*&%$@ LED yun! ang tigas ng ulo! kinalas namin yung buong circuit! inulit lahat! tapos nung tapos na, eto naman si BATTERY! naubos! t&*%$#@ talaga! naasar ako. umuwi na ko.
pero, hindi pa rin ako naka-uwi nun. nakasalubong ko c Brennier. gusto niya, siya na gagawa nung documentary sa prototype sa Ampli. sabi ko: "hindi, tutulungan kita!" tapos, biglang dumating sina Randy, Aldrin, Albert, and Jesse. dala nila yung amplifier!! waaa!! nag-wave agad ako kay Aldrin kasi siya yung unang nakakita sakin. ngumiti siya. sabi niya: "gumagana na!" waaa! yay!!! tapos, usap usap kami ni Randy. oovernight daw kina Aldrin. Alam daw niaya na hindi ako papayagan. haha! good. good. ayun!
nakasalubong ko naman si Hisham and Cris. (uyyyy!!! nyahaha! ) mei hiningi saken si hisham. nilait namin ni Cris yung sulat ni Cam. tapos, wala na! nyahaha!
uwi. daan sa SM Mega. Nagtingin tingin ng Formal Attire. pumunta sa alexan. pumunta sa National. pumnta sa French Baker at bumili ng pasalubong. at umuwin na! haha!
pagdating ko sa bahay, pinilit ako ni mama kumain. tapos, gawa agad ng casing ng prototype. baka, pumunta si Lez d2 bukas. tapos, nung tinamad na ko, nag-blog na lang ako... wahahaha!
kailangan kong mag-review kasi mei quiz kame sa LOGIC, STRENGTH and ELECTRONICS 2. hayy... tronix! ayaw kong bumagsak para sa daddy ko. pero. pero. PERO!!!
=====
naiinis ako sa mga manggagaya.asar ang mga papampam.bakit ba may mga taong TAE!!!
=====
Wen i was in grade 6, asar saken yung salutatorian namin.sabi niya, "i'm a pretender.
"How can i relax when i knew i have no assignment to pass?
...when i'm very late?
...when my teacher is already scolding me?
How can i smile and be ok even if everything around me has gone crazy? and that tears are already falling from my eyes?
How can i smile and be ok even if everything around me has gone crazy? and that tears are already falling from my eyes?
How can i feel alright even if all people knew how problematic i am?
How can i laugh so loud even if i knew that my life is in peril or will be lonesome?
actually, hindi ko rin alam kung bakit, e.
ganun lang talaga siguro ako.
ayaw kong nakikita nila akong nasasaktan o nalulungkot.
bakit ko aaksayahin ang oras ko sa pagmumukmok and maging sad?
pahihirapan ko lang ang sarili ko.
pero, sa totoo lang.
nakakainggit din.
sana kaya kong magpakatotoo ng lubos-lubos...
sana kaya ko rin sabihin sa iba ng harap-harapan na...
"tama na."
"tigilan mo na."
"malungkot ako..."
"tang-ina ka!"
"nasasaktan ako..."
"gusto kita..."
"mahal ko siya..."
"mahal kita...
...mahal talaga kita."

No comments:
Post a Comment