Saturday, September 24, 2005

STOP! It kills...

Masama ang loob ko, lagi ba dito ko na lang ilalabas?

Napagalitan na naman ako! Bakit ayaw niyo akong tigilan! Alam ko ginagawa ko!

Masama ako? Alam ko… pero tinanong niyo na ba sa sarili niyo kung bakit ako nagkakaganito?

Hirap na ko… hirap na akong gumawa ng bagay para sa inyo na hindi niyo naman kayang i-appriciate.

Sana hindi na lang ako naging ganito. Mas gugustuhin ko pang lumaking bobo, walang paki, pasaway…kaysa naman na ganito… lagi ka na lang pinapansin. Lagi na lang pinupuna yung mali mo.

Sasabihin nila magaling ka…pero kapag nakagawa ka ng mali kala mo kung sino kang tanga na walang karapatang magsalita. Ipapamukha pa sayo na bobo ka. Pag sumagot ka naman, sasabihin nila, mayabang ka. Masyado kang mapagmataas. Wala kang karapatang ipagtanggol ang sarili mo, dahil kahit anong gawin mo… MALI KA at WALA KANG ALAM… diyan ka lang sa tabi.. wag kang magsasalita… wala kang karapatan. Ikimkim mo lahat ng galit mo hanggang sa mamamatay ka.

Sasasbihin nila na wala kang malasakit, hindi ka marunong tumulong… Diyos ko po! Naman! Buong buhay ko, yan na lang nga ginagawa ko. Minsan lang ako tumanggi, hindi pa sinasadya… magagalit na sila. Sasabihan na ako ng “engot” at walang isip. Alam ba nila sinasabi nila? Nagagalit pa nga sila sa akin dahil wala na akong ginawa kundi problemahin at ayusin yung problema ng ibang tao, tapos ngayon, ngayon lang ako tatanggi, magagalit pa! San ako lulugar?! Sh*t!

Ang matindi, hindi ka pwedeng mag-reason out, para sa kanila sagot na iyon! Masyado daw akong mapag mataas, hindi daw ako mabubuhay na ganyan…

Bwiset! Bwiset! Bwiset!

=====================

Alam kong high blood siya. May sakit. Kaso, lagi na lang ba ganito? Kami na lang lagi iintindi? May karaptan na siyang sabihin yung mga masasakit na salitang iyon?

Alam kong salbahe ako. Aminado ako. Sana lang, aminin nila na may pagkukulang din sila. Hindi ako magbabago kung ganyan ang way nila. Hindi ako lalaki na matino sa ganyang pamamaraan. Sinasakal niyo ako.
=====================

Hey… I was very sad when I wrote this entry. And my eyes were filled with tears…
hehe! All I could think about was completely depression. I’m fine. If there are
any typos, it’s because my eyes are too blurry to see them, and I don’t mind
them at all. What I feel and think, is what I type. Medyo, super – madrama!
Haha! Shame! The thoughts may be even not coherent/connected to one another.
Please, bare with it.

I’m sorry, blog if I’ve said nothing but
sadness to you. Next time, I promise, I’ll tell something on the brighter side.
It’s just that, the flow of thoughts when I’m sad are immense that I couldn’t
help writing it down. The drive it brings is greater than when I’m feeling
happy.

No comments: